Manila, Philippines – Sa harap ng lumalalang tensyon ngayon sa Middle East, inanunsyo ng Malakanyang na hindi mananatiling neutral si Pangulong Rodrigo Duterte kung may madadamay na ni isang Overseas Filipino Workers (OFW).
Sa kabila narin ito ng banta ng Iran na gaganti sila sa Estados Unidos matapos masawi sa US launched airstrike si Iran’s elite Quds military force head Qassem Soleimani.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malinaw ang pahayag ni Pangulong Duterte na papanig siya sa Amerika sakaling may masaktan na mga Pinoy at hindi lamang basta mananahimik o manunuod lamang sa nangyayari.
Una riyan ay isang Special Working Committee ang itinatag ng Pangulo upang bumuo ng plano para sa posibleng evacuation o paglikas ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa Middle East partikular na sa Iraq, Iran at kalapit na Arab countries.
Iniutos na rin niya sa militar ang paghahanda ng air at iba pang assets sa posibleng repatriation ng OFWs sa Middle East.