Patuloy pa ring binubusisi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 4.1 trillion pesos na 2020 national budget.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – hinihimay pa rin ng Pangulo ang committee report.
Aniya, lalagdaan naman ito ng Pangulo kung naaayon sa batas habang handa niya itong i-veto kapag labag sa saligang batas.
Hindi pa masabi ni Panelo kung kailan pipirmahan ng Pangulo ang panukalang budget.
Para maiwasan ang panibagong re-enacted budget, ang mga senador at kongresista ay agad na inaprubahan nitong December 11 ang final version ng general appropriations bill.
Facebook Comments