PRRD, personal na makikiramay sa mga nabiktima ng pagsabog sa Jolo, Sulu

Kinumpirma ni dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go na dadalawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima ng dalawang pagsabog sa Jolo, Sulu Cathedral kahapon pero wala pang petsa kung kailan pupunta doon ang Pangulo.

Ayon kay Go, bukod kay Pangulong Duterte ay makakasama din nila ang anak nito na si Davao City Mayor Sara Duerte.

Sinabi Go na gusto ng Pangulo na personal na makita ang Cathedral at personal na makiramay sa mga biktima ng pagsabog.


Hindi naman masabi ni Go kung ano ang saloobin ni Pangulong Duterte sa pangyayari at sinabing hintayin nalang na magsalita ang Pangulo ukol dito.

Una nang kinondena ng Palasyo ang insidente at tiniyak na rin nito na magsasagawa ng malalim na imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod nito.

Nanawagan din naman si Go na iwasan muna ang mga espekulasyon at hintayin na lang ang magiging resulta ng imbetigasyon sa pagsabog.

Facebook Comments