PRRD, pinag-aaralan nang putulin ang diplomatic ties nito sa Iceland

Pinag-iisipan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na putulin ang diplomatikong ugnayan ng Pilipinas sa Iceland.

Ito ang sinabi ng Pangulo kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo dahil kung mababatid na ang Iceland ang naghain ng resolusyon sa United Nations Human Rights Council (UNHR) para imbestigahan ang war on drugs.

Ayon kay Panelo – sabi raw sa kanya ng Pangulo ay ikinukunsidera na niyang tapusin ang diplomatic ties nito sa Iceland.


Aniya, ang resolusyon ay ‘one-sided,’ at may kinikilingan.

Dagdag pa ni Panelo – tuluyan na nitong hindi iginalang ang soberenya ng Pilipinas.

Ibinase lamang ito sa maling impormasyon at unverified facts and figures.

Ipinapakita lamang sa resolusyon kung paano mapanuya ang mga kanluraning bansa sa ating sovereign exercise na ipagtanggol ang mamamayan sa masamang epekto ng ilegal na droga na sumisira sa ating lipunan.

Patunay lamang nito na ang Iceland resolution ay idinisenyo para pahiyain ang Pilipinas sa international community.

Facebook Comments