Pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng bagong five-member panel na makikipagnegosasyon sa mga rebeldeng komunista.
Ito ay sa kabila ng tuluyang pagkansela ng gobyerno ng formal peace talks nito sa Communist Party of the Philipppines – New People’s Army (CPP-NPA).
Ayon sa Pangulo – posibleng magtalaga siya ng tatlong military representatives at civilians para bumuo ng bagong panel.
Dagdag pa ng Pangulo – binuwag niya ang dating government peace panel lalo at hindi naman naging matagumpay ang peace talks.
Isinisisi rin ng Pangulo si Communist leader Jose Maria Sison dahil hindi ito tumutulong sa pagsusulong ng peace talks.
Facebook Comments