PRRD, pinagkatuwaan ang muntikang pagtulog ni Chavit Singson sa balikat ni Catriona Gray

Naging tampulan ng katuwaan at katatawanan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang video kung saan muntikan na siyang makatulog sa balikat ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa kanyang talumpati sa Candon City, Ilocos Sur kahapon – sinabi ng Pangulo na ipinanood sa kanya ni Senator Bong Go ang video.


Biro pa ng Pangulo – baka nagtutulug-tulugan lang si Singson.

Humingi na ng paumanhin si Singson kay Catriona.

Paliwanag niya – may jet lag siya noong mga panahong iyon.

Matatandaang kapwa present sina Singson at Catriona noong laban ni Senator Manny Pacquiao at Keith Thurman kung saan ang ating miss universe ang nagwagayway ng bandila ng Pilipinas.

Facebook Comments