PRRD, pinamamadali na umano sa Congress ang pagpasa sa BBL!

Bago paman tumulak pa-Japan noong October 31, tinawagan na umano ni Pang. Rodrigo Roa Duterte ang Kogreso na pabilisin na ang pagpasa sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) at kung hindi ay mapapa-trouble ang bansa, banta ng Pangulo.
Ito umano ay sa gitna ng pagpapaliban ng Bangsamoro General Assembly na inisponsor ng Bangsamoro Transition Commission, Moro Islamic Liberation Front ( MILF) at Moro National Liberation Front ( MNLF) sa ilalim ni Chair Yusoph Jikiri.
Si pangulong Duterte ang guest of honour sa naturang asembleya na nakatakda sana noong October 28 ngunit ipinagpaliban sa November 3-4 at muli na namang iniuurong sa kalagitnaan ng Nobyembre.
Bahagi ito ng mandato ng BTC na nakapaloob sa Executive Order No. 08 na nilagdaan ni Pang. Duterte.
Ang malaking pagtitipon na ito ng Bangsamoro ay idinesenyo bilang avenue para sa consensus-building and support sa pagpasa sa BBL.

Facebook Comments