PRRD, pinasalamatan ang Malaysia sa kanilang suporta sa Build Build Build Program

Manila, Philippines – Pinasalamatan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Malaysia para sa kanilang suporta sa “Build Build Build” Program ng pamahalaan ng Pilipinas.

Sabi ni Pangulong Duterte, malaki ang papel ng Malaysia sa patuloy na pag-unlad ng bansa at sa iba pang bansa sa buong Southeast Asia.

Dahil dito, nanindigan si Pangulong Duterte na lalo pang paiigtingin ang pakikipagdayalogo ng pamahalaan sa gobyerno ng Malaysia.


Facebook Comments