PRRD, pinasalamatan si Allah sa pag-usad ng BOL

Manila, Philippines – Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Allah, sa pag-usad ng Bangsamoro Organic Law lalo na ang pagsasagawa ng plebisito.

Sinabi ni Duterte na napakabuti ni allah dahil umusad na ang BOL matapos ang napakahabang panahon ng negosasyon at mga balakid.

Aniya, bahagi ng kanyang pagkatao ang Islam.


Kasabay nito, muling binanatan ni Duterte ang simbahang Katolika at mga pari.

Ang pahayag ng presidente ay isang araw lamang matapos payuhan ng Malacañang ang mga pari na huwag makialam sa pamamalakad ng Presidente.

Facebook Comments