PRRD pinayuhan ang ABS CBN na ibenta na lamang

Nais ni Justice Secretary Menardo Guevarra na isama sa darating na cabinet meeting sa January 6, 2020 ang pagtalakay sa planong pag-oobliga sa US citizens na kumuha ng Philippine visa kapag tutungo ng Pilipinas.

Kasunod ito ng pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na irerequire na rin ang Philippine visa sa US citizens na papasok sa Pilipinas.

Ayon kay Secretary Guevarra – general statement ang naging pahayag ni Panelp kayat dapat mapag-usapan ito at maklaro kung sinu-sino ang tinutukoy kapag sinabing US citizen.


Naniniwala ang kalihim na dapat malinaw ang pagtukoy sa isang US citizen lalo na at sensitibong usapin ang visa requirement.

Sinabi din ni guevarra na kung siya ang tatanungin maaring hindi ikunsidera na US Citizen ang mga natural-born Filipinos, mga nag-migrate sa Amerika at ang mga may dual citizenship.

Aniya, may legal ties naman ang mga ito kaya hindi na dapat pang masaklaw sa panukalang hingian ng Philippine visa.

Una nang nagbanta ang Malakanyang na oras na ipatupad ng US ang pag-ban sa Amerika ng Philippine govt officials na may kinalaman sa pagpapakulong kay Sen. Leila de lima ay Ipapatupad din ng Pilipinas ang pag-rerequire sa US Citizens na kumuha ng Philippine Visa bago makapasok sa bansa.

Facebook Comments