PRRD, pinayuhan ang ASEAN Leaders na iwasan ang kampihan sa pagitan ng China at Amerika

Hinimok ni Pangulong Rodriog Duterte ang mga Lider ng Association of Southeast Asian Nation na iwasang kumampi sa Amerika o China.

Sa harap ito ng lumalalang tensyon sa kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nais ipunto ng Pangulo na isang pagkakamali ang kumampi sa isang bansa.


Ginawa na raw ito ng Pilipinas noong nakaraang Administrasyon kung saan naging kawawa lang ang bansa dahil naapektuhan ang kalakalan nito.

Samantala, hinikayat din ni Pangulong Duterte ang ASEAN at United Nations na magkaisa sa paglaban sa kahirapan, pagtugon sa inequality at pagsusulong ng Sustainable Development.

Sa kanyang intervention sa 10th ASEAN-UN Summit sa Thailand, hinimok din ng Pangulo ang ASEAN at UN na tugunan ang problema sa Climate Change at kapwa mag-promote ng counter-narratives laban sa mga terorista.

Facebook Comments