PRRD, pinayuhan ang mga anak na iwanan ang pulitika “as soon as possible”

“Earlier, The Better”

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga anak na nasa local elective positions sa Davao City, na iwanan ang pulitika sa lalong madaling panahon.

Matatandaang dinomina muli ni re-electionist Sara Duterte-Carpio ang botohan sa pagka-alkalde ng lungsod at kanyang kapatid na si Sebastian sa pagka-bise alkalde.


Binalaan din ni Pangulong Duterte ang kanyang anak na si Inday sa posibleng pagtakbo sa pagkapangulo sa susunod na eleksyon na “sisirain” lamang siya nito.

Babala niya ito sa kanyang anak dahil sa mga mali at hindi patas na kritisismo na ibinabato sa public servants.

Idinagdag pa ng Pangulo na hindi na sana sundan ni Mayor Inday ang mga yapak nito.

Facebook Comments