PRRD, pinayuhan ang mga sundalo na huwag ibigay sa mga pulitiko ang gobyerno

Manila, Philippines – Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo na huwag umanib sa mga pulitiko at maghanap ng mga kabataang kayang pamumunuan ang bansa.

Sa kanyang talumpati sa Malacañang kagabi, sinabihan niya ang mga sundalo na huwag nang ipahawak sa mga pulitiko ang gobyerno.

Prangkang sabi ng Pangulo – walang nangyayaring pagbabago sa gobyerno dahil pinapanatili ng mga sundalo ang tila ‘cycle’ ng pagbibigay ng kapangyarihan sa mga pulitiko mula sa pag-aalsa nila.


Muli ring iginiit ng Pangulo na handa siyang bumaba sa pwesto kung sakaling hindi na niya nagagampanan ang kanyang tungkulin ng maayos.

Samantala, binigyang diin ng Palasyo na patuloy pa rin ang suportang natatanggap ng Pangulo mula sa militar at sa publiko.

Facebook Comments