PRRD, planong ilipat si Piñol sa Mindanao Development Authority

Manila, Philippines – Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga si Agriculture Secretary Manny Piñol bilang susunod na chairperson ng Mindanao Development Authority o MINDA.

Sa isang ambush interview sa Malacañang kagabi, sinabi ng Pangulo na hindi pa niya tinatanggap ang resignation ni Piñol.

Dagdag pa niya, malaki ang maitutulong ni Piñol sa development ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.


Pero sabi ng Pangulo na kailangan muna niyang makipag-usap kay Bangsamoro Region Interim Chief Minister Al-Haj Murad Ebrahim bago tanggapin ang pagbibitiw ng kalihim.

Nagtitiwala pa rin ang Pangulo sa integridad ni Piñol sa serbisyo.

Kapag inilipat na si Piñol sa MINDA, magsisilbi na siyang point man ng national government sa BARMM.

Ang pwesto sa MINDA ay bakante mula nang pumanaw si Secretary Datu Abul Khayr Dancal Alonto nitong Mayo.

Tiniyak din ng Pangulo na hindi mangingialam ang national government sa trabaho ng Bangsamoro transition government.

Facebook Comments