Posibleng bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar na niyanig ng magnitude 6.6 na lindol.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – sa personalidad ng Pangulo, hindi malabong bumisita ito sa quake-hit areas.
Nag-aalala aniya ang Pangulo sa panibagong lindol at nag-utos na ito sa mga ahensya ng gobyerno na tumulong sa mga naapektuhan.
Posibleng maganap ang pagbisita ni Duterte sa mga naapektuhan ng lindol bago ito tumulak ng Bangkok, Thailand para sa 35th ASEAN Summit.
Facebook Comments