Manila, Philippines – Posibleng hindi dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga aktibidad ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa halip na dumalo sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, gugugulin na lamang ng Pangulo ang kanyang oras sa pagbabasa ng mga dokumento na may kinalaman sa trabaho sa gobyerno.
Gayunman, sabi ni Panelo na binibigyang halaga ng Pangulo ang anibersaryo ng EDSA 1.
Matatandaang simula nang maupo sa puwesto ang Pangulo noong 2016 ay hindi pa ito dumadalo kahit na isang beses sa anibersaryo ng EDSA People Power na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Facebook Comments