Naniniwala si Senator Richard Gordon na posibleng inililigaw si Pangulong Rodrigo Duterte ng ilang mga tao nito kaugnay sa money laundering activity at iba pang ilegal na gawaing may kaugnayan sa operasyon ng Philippine Offshore and Gaming Operators o POGO.
Reaksyon ito ni Gordon makaraang ihayag ni pangulong duterte na wala siyang nakikitang matibay na ebidensya para ipasara ang POGO at sayang din ang kinikita mula dito.
Giit ni Gordon, malinaw sa imbestigasyon ng senado na napaka seryoso ng sitwasyon at mga isyu laban sa POGO, tulad ng daan daang milyung dolyar na naipapasok sa bansa na malinaw na kaso ng money laundering.
Ayon kay Gordon, sana naman minsan ay ipatawag ng Pangulong Duterte ang mga Senador para makuha ang kanilang panig at mga totoong impormasyong hawak kaugnay sa mga problemang dulot ng pogo sa bansa.