PRRD, pumalag sa report ng PCIJ kaugnay sa umano’y misteryosong paglago ng yaman ng pamilya Duterte

Pumalag si Pangulong Rodrigo Duterte sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) tungkol sa umano’y misteryosong paglago ng yaman ng pamilya.

Sa report ng PCIJ, sinabing hindi idineklara sa Statement of Assets, Liabilities and Network (SALN) ng Pangulong Duterte at kanyang mga anak na sina Sara at Paolo ang lahat ng pag-aari at negosyo nila.

Ang ulat ng PCIJ na base umano sa mga dokumento mula sa Securities and Exchange Commission (SEC), hindi nakadeklara sa SALN ng Pangulo ang partnership nito sa Fabiosa Duterte Cimafranca and Carsedo Law Firm na itinaguyod noong 2003 kung kailan mayor pa ng Davao ang Pangulo.


Ayon kay Pangulong Duterte, walang pakialam ang PCIJ sa kanilang yaman at mga negosyo.

Banat pa ng Pangulo, binayaran ang PCIJ ng mga dilawan upang silipit ang pinakamaliit na detalye ng kanyang SALN at sabihing may masama siyang ginagawa.

Facebook Comments