PRRD, sinabing mga infrastructure projects ang kanyang tututukan sa nalalabing termino

Nais tutukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga infrastructure project sa huling dalawang taon ng kanyang termino.

Sa kanyang talumpati sa Cebu City, hinimok ng Pangulo ang lungsod na magtayo ng mga karagdagang fly-overs at mga linya ng tren para matugunan ang problema sa trapiko.

Dagdag pa ng Pangulo – plano ng kanyang administrasyon na gumamit ng makabagong teknolohiya para mapaluwag ang pagsisikip ng trapiko sa EDSA.


Iginiit ng Pangulo na ang makikipot ang mga kalsada sa Cebu at hindi ito pwedeng palawakin.

Aniya, pwedeng pondohan ng China ang mga proyekto para sa Cebu.

Sinabi pa ng Pangulo – malapit nang matapos ang mga itinatayong fly-overs sa Metro Manila na inaasahang magagamit sa Disyembre ngayong taon.

Muling binanggit ng Pangulo ang paghingi ng emergency powers, subalit hinarang ito ng isang babaeng senador.

Facebook Comments