Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa niya ipapatupad ang balasahan sa mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay sa kabila ng nararanasang flight delays na nakakaapekto sa mga air passengers.
Sinabi ng Pangulo na sinubukan pa niyang remedyuhan ang mga problema sa paliparan.
Matatandaang ikinadismaya ng Pangulo ang flight interruptions sa NAIA kasunod ng surprise inspection sa pasilidad at nangakong bubuo ng solusyon para mapabuti ang airport operations sa loob ng isang buwan.
Inatasan din ng Pangulo ang transport authorities na matiyak na ang operasyon ng Sangley Airport sa Cavite sa Nobyembre para maresolba ang siksikan sa NAIA.
Nais din ng Pangulo na magkaroon ng iisang entity na tututok sa airport security.
Facebook Comments