Naniniwala si Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison na takot lang si Pangulong Rodrigo Duterte na malaman ni Vice President Leni Robredo kung paano nito pino-protekta ang mga drug lord.
Ito ang tingin ng Communist Leader kung bakit sinibak ng Pangulo ang Bise Presidente bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Commitee on Anti-Illegal Drugs.
Ayon kay Sison, ayaw ni Pangulong Duterte na madiskubre ni Robredo mula sa mga Local Official at US Intelligence kung paano niya kinakanlong ang mga drug lord sa ilalim ng kanyang Mafia Syndicate o Crime Family.
Dagdag pa ni Sison, sa una pa lamang ay hindi na sinsero ang Pangulo sa pagtatalaga kay Robredo sa ICAD.
Lumalabas lamang na ‘pasinto-sinto’ ang Pangulo.
Facebook Comments