PRRD takot sa mga mayayaman – IBON Foundation

Manila, Philippines – Dismayado ang IBON Foundation sa lahat ng mga programa ng Duterte administration dahil ang nakikinabang lamang umano rito ay ang mga negosyante mayayaman.

Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Manila sinabi ni IBON Foundation President Sonny Africa na takot umano si Pangulong Duterte sa mga mayayaman dahil ang TRAIN Law ay ang nakinabang ay mga malalaking negosyante dahil kokonti lamang ang bawas na buwis para sa mga mayayaman pero malaking buwis naman para sa mga mahihirap ang kaltas.

Paliwanag ni Africa kung talagang hindi takot si Pangulong Duterte sa mga oligarko dapat prayoridad nito ang kapakanan ng mga mahihirap ang kanyang prayoridad.


Giit ni Africa malaki umano ang epekto ng TRAIN Law sa mga mahihirap pero binawasan ang buwis naman sa Corporate Tax.

Facebook Comments