PRRD, tatanggap ng dinner invites sa mga babaeng single

Tatanggap lamang si Pangulong Rodrigo Duterte ng dinner invitations mula sa mga babaeng single kung sila ang sasagot sa gastos nito.

Ito ang biro ni Pangulo sa kanyang talumpati sa TESDA sa Taguig City kahapon.

Ayon sa Pangulo, kadalasang tinatanggihan niya ang anumang dinner at coffee invites mula sa mga lalaki.


Dagdag pa ng Pangulo – nagtitipid siya sa pagkonsumo ng kanin dahil marami pa ring Pilipino ang hindi nakakakain.

Una nang nilinaw ng Malacañan na ang mga pahayag ng Pangulo ay para patawanin ang kanyang mga manonood, panauhin at bisita.

Facebook Comments