PRRD tinanggap na ang resignation letter ni Mocha Uson

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na hindi pinigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Ayon kay Go, kahapon pa niya natanggap ang resignation letter at kahapon din ito tinanggap ni Pangulong Duterte.

Iginagalang naman ni Go ang desisyon ni Uson na magbitiw sa posisyon at nagpasalamat naman si Go kay Uson sa kanyang pagseserbisyo sa ilalim ng Administrasyong Duterte.


Hindi naman makumpirma ni Go ang bali-balita na tatakbo si Mocha sa 2019 midterm election at goodluck na lang aniya sa kung anong magiging desisyon nito sa hinaharap.

Sinabi din naman ni Go na walang nakalagay na irrevocable sa resignation letter ni Uson at nakalagay din aniya dito na dahilan ay ayaw na niyang maging pabigat sa PCOO.
Mapapansin naman na trending sa social media ang pagbibitiw ni Uson sa posisyon kung saan marami sa mga netizens ang nagbunyi habang ang iba naman ay hindi.

Facebook Comments