PRRD, tinanggihan ang alok ng China na bigyan siya ng Hack-Proof Phone

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinanggihan niya ang alok ng China na Hack-Proof Mobile Phone.

Ito ang pahayag ng Pangulo kasabay ng pagsagot sa isyu ng pagkontrol ng China sa Power Grid ng Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, hindi niya tinanggap ito para maiwasan ang paghihinala na may itinatago siya.


Dagdag pa niya, nakikinig ang lang ang mga ito sa pamamagitan ng mga Satellites, at hindi ginagamit ang Grid.

Aniya, may nang-e-espiya pero hindi niya alam kung sino ang gumagawa nito.

Hindi naman nabanggti ng Pangulo kung ano ang nag-udyok sa China para alukin siya ng nasabing unhackable phone.

Naniniwala naman ang pangulo na hindi papatayin ng China ang linya ng kuryente at sasabotahin ang Transmission System ng bansa dahil kumikita sila rito.

Matatandaang 40% ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay pagmamay-ari ng State Grid Corporation ng China.

Facebook Comments