PRRD, tinanong ang mga Cayetano kung kailan matatapos ang kanilang dynasty

Pinukaw ng pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya Cayetano dahil sa pagiging dominante nila sa pulitika sa Taguig City.

Sa kanyang talumpati sa TESDA kahapon, binati ng Pangulo sina House Speaker Alan Peter Cayetano, asawang si Taguig Representative Lani Cayetano at kapatid na si Taguig Mayor Lino Cayetano.

Tinanong ng Pangulo sa kanila kung kailan matatapos ang kanilang dinastiya sa lungsod.


Pero sinabi rin ng Pangulo na pwede ring itanong ito sa kanya lalo na at napapabilang din siya sa isang political family.

Aniya, ang magkapatid na si Mayor Inday Sara at Vice Mayor Sebastian ang namumuno sa Davao City.

Natutuwa rin ang Pangulo dahil nagiging abala na ngayon si Baste sa pagseserbisyo publiko.

Pinuna rin ni Pangulong Duterte ang isa pang anak na si Davao Congressman Paolo dahil sa papalit-palit ng partido.

Una nang sinabi ng Pangulo na suportado niya ang anti-political dynasty law pero may pagdududa siyang uusad ito.

Facebook Comments