PRRD, tinawag na ‘butete’ si Gordon

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Richard Gordon matapos siyang punahin dahil sa pagtatalaga ng mga retiradong military official sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Bureau of Fire and Protection (BFP), ikinagalit ng Pangulo ang sinabi ni Gordon na galing siya ng probinsya kaya konti lamang ang kanyang nakikitang maitatalaga.

Tinawag din ng Pangulo si Gordon na ‘butete,’ ‘malaki ang tiyan,’ at hindi maintindihang magsalita.


Ang utak din ng senador ay sa tiyan lamang napupunta.

Iginiit din ng Pangulo na mas may tiwala siya sa mga dating military official.

Sinabihan din ng Pangulo si Gordon na huwag nang tumakbo sa pagka-bise presidente dahil walang maniniwala sa kanya.

Facebook Comments