Manila, Philippines – Determinado ang pamahalaan na labanan at puksain ang mga teroristang miyembro ng Islamic State na walang idinulot kundi takot at kaguluhan sa bansa.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte – handa niyang gamitin ang lahat ng resources gaya ng air strikes para pulbusin ang mga ito.
Nangako rin ang Pangulo na hindi niya tatanggapin ang anumang pagsuko mula sa mga ito lalo at galing ang mga ito sa ‘impyerno’.
Inatasan na rin ng Pangulo ang militar na gamitin ang kanilang mga bomba para supilin ang I.S militants.
Ito ang pahayag ng Pangulo matapos akuin ng I.S ang responsibilidad sa kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu nitong Enero kung saan higit 20 ang nasawi.
Facebook Comments