PRRD, tiniyak na hindi makakapagtatag sa bansa ang terror group na Islamic state

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi makakapagtatag sa bansa ang terror group na Islamic State sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sa kanyang talumpati sa Araw ng Kagitingan commemoration sa Jolo, Sulu kahapon ikinumpara ng Pangulo ang paglaban ng mga sundalo sa mga terorista sa kabayanihan ng mga Pilipinong lumaban ay idinepensa ang Bataan noong 1942.

Ayon sa Pangulo – nararapat lamang na bigyang pugay at parangal ang mga Pilipinong ipinagtanggol ang bansa.


Ipinangako rin ng Pangulo na bibigyan ng gantimpala at ayuda ang mga sundalo na kakailanganin nila at para na rin sa kanilang mga pamilya.

Pinili ng Pangulo na gunitain ang Araw ng Kagitingan sa Jolo para bisitahin ang mga sundalong nakatalaga roon.

Facebook Comments