PRRD, tiniyak na lalaban hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino

Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nananatiling sumusuporta sa kanya.

Sa kanyang ika-apat na SONA, sinabi ng Pangulo na patunay lamang ito sa mga lumalabas na survey na nakakakuha siya ng mataas na approval ratings.

Binanggit din ng Pangulo ang landslide victory ng mga pambato ng administrasyon sa nakaraang halalan.


Dahil dito, determinado ang Pangulo na tapusin kung ang kanyang mga nasimulan sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Pero sinabi ng Pangulo na tatapusin niya ang kanyang termino na lumalaban.

Facebook Comments