PRRD, tiniyak na pananatilihin ang kapayapaan sa Mindanao

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na pananatilihin ang kapayapaan sa Mindanao.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa Davao City – hinimok ng Pangulo ang mga Pilipino na gawing paalala ang okasyon sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa buong bansa lalo na sa Mindanao.

Iginiit din ng Pangulo na buong pwersa ng batas ang kakaharapin ng sinumang maghahasik ng kaguluhan at karahasan.


Binanggit din ng Pangulo ang kahalagahan ng Bangsamoro Organic Law (BOL) na isa sa mga hakbang para matiyak ang kapayapaan sa Mindanao.

Facebook Comments