PRRD, tiniyak na reresolbahin ang problema sa overspeeding  

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na reresolbahin ang mga problema na kinasasangkutan ng mga kaskaserong motorista.

Sa kanyang talumpati sa Cotabato City, sinabi ng Pangulo na marami ang namamatay dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng sunud-sunod na aksidente o banggaan.


Nabatid na nasa 11 tao ang nasawi sa banggaan sa Rizal at Cavite.

Facebook Comments