Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin ng Pamahalaan ang pera mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR para sa mga ospital ng Gobyerno.
Ayon kay Pangulong Duterte, mahalaga na mabuhusan ng pondo ang mga ospital ng Pamahalaan para pambili ng mga gamot at iba pang pangangailangan para mas makatulong sa mga mahihirap nating kababayan.
Sinabi ng Pangulo na hindi niya matanggap na makakita ng Pilipino na nahihirapan sa paghahanap ng mapagkukunan ng pera para lamang pambili ng gamot.
Para aniya matugunan ito ay bubuhusan niya ng pera ang mga ospital ng pamahalaan para maipangbili ng mga gamot para hindi na ito maubusan at maipagkaloob sa mga Pilipino.
Paliwanag pa ng Pangulo, galing din naman sa sugal ang pera ng PAGCOR kaya mas mabuting gamitin ito sa kapaki-pakinabang na mga proyektong pangkalusugan.