Buo ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa governance skills ni Senatorial Candidate, Ilocos Norte Governor Imee Marcos.
Ayon sa Pangulo – “very good asset” sa Senado si Governor Marcos.
Si Marcos ay isa sa sinusuportahang kandidato ng Pangulo sa pagkasenador sa May 13 midterm elections.
Nabatid na nahaharap si Marcos sa ilang pagkwestyon dahil sa kanyang pahayag na nakakuha siya ng degree mula sa dalawang unibersidad.
Una nang sinabi ng University of the Philippines (UP) na wala silang record na makapagtapos sa kanila ang gobernadora, habang ang Princeton University ay itinangging nakatanggap si Marcos ng degree sa kanilang institusyon.
Facebook Comments