PRRD, tiwalang kakayanin ng militar ang anumang banta sa seguridad sa Power Grid

Kampante si Pangulong Rodrigo Duterte na kakayanin ng militar ang mga isyu sa seguridad kaugnay sa posibilidad sa pagkontrol ng China sa Power Grid ng bansa.

Nabatid na 40% ng National Grid Corporation of the Philippines ay pagmamay-ari ng State Grid Corporation ng China.

Pinawi ng Pangulo ang anumang banta sa seguridad dahil tiwala siya sa militar.


Tiwala din ang Pangulo sa pahayag ng China na walang dapat ikabahala para sa seguridad ng bansa.

Facebook Comments