Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na matatapos din ang rebelyon at insurhensya sa Eastern Visayas.
Ito ay sa kabila ng hindi umubrang peace talks sa mga rebeldeng komunista.
Sa kanyang talumpati sa Catbalogan City, Samar – nararapat nang magwakas ang limang-dekadang rebelyon sa bansa.
Hinikayat din ng Pangulo ang mga rebelde na iwanan at talikuran na ang kanilang ipinaglalabang ideyolohiya.
Tiniyak din ng Pangulo na makakatanggap ng buong suporta mula sa gobyerno ang mga sundalo na ginagampanan ang kanilang tungkuling protektahan ang bansa at mamamayan.
Kinilala rin ng Pangulo ang efforts ng 8th Infantry Division sa pagsuporta nito sa anti-illegal drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP).
Sa anti-insurgency efforts ng 8th ID sa nakalipas na 18 buwan, aabot sa 1,500 rebelde ang nahuli at sumuko.