PRRD, tuloy sa kanyang out of town trips sa kabila nang patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19

Hindi nagpapaawat si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang out of town trips kahit na patuloy sa pagtaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang mga aktibidad ng Pangulo ay sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19 at umiiwas ito sa episentro ng virus o sa mga lugar na sadyang mataas ang kaso tulad dito sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao.

Sinabi pa ni Roque na maliban dito, mahigpit ding sinusunod ang health protocols sa mga aktibidad na dadaluhan ng Pangulo at walang basta-basta makakalapit dito.


Aniya, sa mga personalidad na lalapit sa pangulo kinakailangang makapagpresinta sila ng negative RT-PCR result.

Bukas, nakatakdang lumipad patungong Eastern Samar at Tacloban city ang Pangulo para sa dadaluhan nitong aktibidad.

Facebook Comments