Babayahe patungong Busan, South Korea si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa 2019 ASEAN-republic of Korea commemorative summit.
Sa pre-departure meeting sa malacañan, sinabi ni Foreign affairs Asst. Sec. to ASEAN affairs Junever Mahilum West na gaganapin ang summit sa Nobyembre a-bente singko hanggang a-bente sais.
Pangunahing tatatalakayin sa summit ang pag-papalitan ng kuro-kuro at pananaw ng mga lider ng estado sa regional security issue partikular na ang kasalukuyang sitwasyon sa korean peninsula.
Bukod dito, pag-uusapin din ang direksyon at ugnayan ng ASEAN member countries at Republic of Korea.
Makakasama ng Pangulo sa biyahe ang ilang myembro ng kaniyang Gabinete kabilang ang mga kinatawan ng Foreign Affairs Department (FAD), Department of Trade and Industry (DTI) at Department Of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito na ang ikalawang pagbisita ng pangulo sa South Korea.