PRRD, tutungo na ng Russia bukas

Tutulak na bukas si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Russia.

Inaasahang kasama ng Pangulo sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Finance Secretary Carlos Dominguez, at Trade Secretary Ramon Lopez.

Inaasahang sasakay ang Pangulo sa isang chartered flight.


Inaasahang malalagdaan ang ilang bilateral agreements na may kaugnayan sa kultura, kalusugan at pananaliksik.

Magkakaroon din ng pulong si Pangulong Duterte at Russian President Vladimir Putin na magpapalitan ng pananaw tungkol ng regional at global developments.

Ito na ang ikalawang beses na pupunta ang Pangulo sa Russia.

Facebook Comments