PRRD, umaasang magkakaroon na ng kapayapaan sa Mindanao

Photo Courtesy: PCOO

Cotabato City – Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng bagong pag-asa ang mga taga-Mindanao kasunod nang isinagawang inagurasyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na ginanap sa Cotabato City.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Duterte na umaasa rin siya na sa pagkakataong ito ay magkakaroon na ng transparency, accountability at political empowerment sa Mindanao.

Kasabay nito ay muling pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang mga nasa likod ng pagpapasa ng BARMM na siyang magdadala ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.


Bukod kay Pangulong Duterte ay dumalo rin ang ilang miyembro ng gabinete at ilan pang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Facebook Comments