PRRD, umapela na ‘wag bumitiw sa nasimulang laban kontra sa 2 water concessioners

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte na sana ay huwag bumitiw sa nasimulang laban sa dalawang water concessioners.

Sinabi ng Pangulo na kung hindi man niya matapos ang kanyang nasimulang pakikibaka para sa karapatan ng mamamayan sa tubig, sana man lang ay may magtuloy nito.

Hindi man direktang tinukoy ng Pangulo kung kanino niya ipinatutungkol ang naturang apela ay sinabi naman nito na  hindi kudeta ang kasagutan sa kontrobersiya tungkol sa concession agreement.


Hindi na aniya tanggap ng mga Pilipino ang paglulunsad ng kudeta habang wala rin sa opsiyon ng Chief Executive ang pagpapatupad ng martial law para sa mabilisang solusyon.

Sa halip ayon sa Pangulo ay mas maiging i-diretso na sa revolutionary government ang lahat para maitama ang mga naging pagkakamali ssa pinasok na kontrata ng pamahalaan sa Maynilad at Manila Water.

Una ng inihayag ng Pangulo na isang pambabastos sa bayan ang ginawa ng dalawang water concessioners kaya at mahirap na pumasok sa anomang aregulahan ang pamahalaan.

Facebook Comments