PRRD, umapela sa COA na irekonsidera ang report ukol sa ₱5-M diversion funds para sa Marawi rehab

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Audit (COA) na irekonsidera ang findings nito kaugnay sa ₱5 million na halaga ng rehabilitation funds na inilipat para sa pilgrimage ng mga biktima ng Marawi siege sa Mecca para sa Hajj.

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng Eid’l Fitr sa Davao City, sinabi ng Pangulo na mas pinahahalagahan ng mga Muslim ang kanilang paglakbay sa banal na lugar kaysa sa pagtayo ng mansyon.

Aminado ang Pangulo – na tinutulungan niya ang mga Muslim na makapunta sa Mecca noong siya pa ay alkalde ng Davao City.


Ang Hajj ay isa sa pillars of Islam – ito ay isang taunang pilgrimage at pinakamalaking pagtitipon ng mga Muslim sa buong mundo.

Ang mga Muslim ay hinihikayat na gawin ang Hajj kahit isang beses sa kanilang buhay sa pamamagitan ng pagpunta sa Mecca, ang lugar kung saan ipinanganak si Propeta Muhammad.

Facebook Comments