Nananawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat kabilang ang mga lokal na pamahalaan sa Pilipinas na dagdagan pa ang mga libreng dialysis treatment center sa bansa.
Sa talumpati ng Pangulo sa Taguig City, sinabi nito na ang diabetes ay maituturing na epidemic para sa Asian countries tulad ng Pilipinas at Thailand dahil kanin ang isa sa pangunahing pagkain para sa mga naninirahan sa rehiyon.
Ipinaliwanag ng Pangulo na ang Diabetes ay isang sakit na nakukuha sa oras na bumaba o maubos na ang insulin sa katawan ng isang tao. At sa oras aniya na mangyari ito, dito na papasok ang kidney failure.
Sinabi ng Pangulo na dapat ay madagdagan ang dialysis treatment facilities sa bansa, dahil marami rin ang mga Pilipino, at hindi naman lahat ay kayang tustusan ang gastusin sa pagpapa- dialysis, lalo na kung ang rekomendasyon ng doktor ay tatlong beses sa isang linggo.
Sinabi ng Pangulo na kailangan ang mas maraming dialysis treatment center dahil maraming pasyente ang hindi makapagpa dialysis dahil sa haba ng pila, walang available na time slot, o di kaya ay kailangan pa nilang maghintay.