Hindi na kailangan ng kudeta para mapababa sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang talumpati sa ika-72 Anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF) kagabi sinabi ng Pangulo na alam niyang balang-araw, magde-desisyon ang AFP at PNP kung karapat-dapat pa siyang mamuno sa bansa.
Pakiusap niya sa mga sundalo at pulis, huwag nang magdala ng armas.
Aniya – kung ayaw na sa kanya, tawagan na lamang siya at maayos niyang ite-turn over sa kanila ang pamamahala sa bansa.
Facebook Comments