Manila, Philippines – Wala na talagang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na kausapin pa ang New People’s Army o kahit sinuman mula sa komunitang grupo.
Pahayag ito ng pangulo matapos ang pagbisita niya kahapon sa Jolo, Sulu.
Sabi ni Pangulong Duterte, nakakadismaya dahil kahit nagbukas na muli ng pintuan para sa posibleng peace talks ang gobyerno, ay patuloy pa rin ang mga pag-atake ng rebeldeng grupo.
Dismayado ang Pangulo dahil pinalalabas ng rebeldeng grupo na sunud-sunuran na lamang ang gobyerno sa kanilang hanay.
Ayon pa sa Pangulo, all-out-war na rin ang ilulunsad ng gobyerno laban sa npa gaya ng pagpulbos sa Abu Sayyaf Group na itinuturong responsible sa pagpapasabog sa mount carmel cathedral sa Jolo.
Facebook Comments