PRRD, wala ng balak bumili ng mga armas sa US

Bulakan, Bulacan – Walang balak ang Pangulong Rodrigo Duterte na bumili ng armas at mga gamit para sa militar mula sa Amerika.

Ito ay kahit pa sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na bibili ang Pilipinas ng helicopter sa America kahit pa mas mahal ito kumpara sa inaalok ng bansang Russia.

Ayon sa Pangulo, tila iniipit kasi ng gobyerno ng Amerika ang sinumang bansa na nakikitungo sa Russia at China kaya at ayaw niya daw ng ganitong uri ng pamamalakad.


Dagdag pa ni Duterte, hindi daw magandang tignan na makipag-negotiate sa Amerika gayung hindi naman daw ito nakatulong sa Pilipinas noong mga panahong inaatake ang Marawi City ng mga terorista.

Pero iginiit ng Pangulong Duterte na wala daw siyang galit sa Amerika kahit pa binabatikos ang kaniyang administrasyon hinggil sa kampaniya nito kontra iligal na droga.

Facebook Comments