Manila, Philippines – Sa kabila ng compulsory retirement ni Chief Justice Lucas Bersamin noong October 18.
Wala pa ring napipili si Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, wala pang kumpirmasyon ang umano’y pagpili ng Pangulo kay Associate Justice Diosdado Peralta Jr. bilang bagong Chief Justice.
Kasunod ito sinabi ni Panelo na mainam kung hintayin na lamang ng publiko ang announcement ng Pangulo.
Salig sa konstitusyon, ang Pangulo ay mayroong 90 araw mula October 18 para pumili ng kapalit ni Chief Justice Bersamin.
Una nang tinanggihan ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang automatic nomination sa chief justice Post dahil sa compulsory retirement nito sa darating na October 26.
Kapag wala pang napipili ang Pangulo mula sa shortlist pagsapit ng October 26 si Associate Justice Peralta ang pansamantalang magsisilbi bilang acting chief justice.
Kabilang sa mga pinagpipilian na susunod na magiging SC Chief Justice ay sina Associate Justices Diosdado Peralta, Estela Perlas Bernabe at Andres Reyes Jr.,