Malapit nang magsara ang taong 2019 pero wala pa ring napipili si Pangulong Rodrigo Duterte na itatalaga bilang hepe ng Philippine National Police.
Ayon kay Senator Christopher Bong Go, nahihirapang mamili ang Pangulo dahil lahat ng mga kandidato sa pagiging PNP Chief ay kwalipikado, at maganda ang record.
Dagdag pa ni Go, ang gusto ni Pangulong Duterte na maging susunod na hepe ng pambansang pulisya ay almost perfect at honest.
Dahil dito ay sinabi ni Go na mananatili muna ang kasalukuyang set up sa PNP kung saan Officer-in-Charge si Lt. General Archie Gamboa.
Facebook Comments