PRRD, walang kapangyarihan para baliktarin ang desisyon ng NTC

Nanindigan ang Palasyo na walang kakayahan si Pangulong Rodrigo Duterte upang ireverse o baliktarin ang naging desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) na naglabas ng cease and desist order laban sa ABS-CBN dahil sa kawalan ng legislative franchise.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ang nasabing desisyon ng quasi-judicial body tulad ng NTC ay maaari lamang kwestyunin sa Korte.

Sinabi pa ni Roque na kung nasa kapangyarihan lamang ng Pangulo ang Appellate jurisdiction ay malamang nanghimasok na ito sa desisyon ng NTC.


Kasunod nito ipinaliwanag ng kalihim na posibleng maharap si Pangulong Duterte sa paglabag sa Code of Conduct for Government Employees at graft kung manghihimasok sa desisyon ng NTC.

Tugon ito ng Palasyo matapos sabihin ni Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero na maaaring baliktarin ng Pangulo ang desisyon ng NTC dahil ang nasabing ahensya ay nasa ilalim ng Executive department.

Facebook Comments