Manila, Philippines – Pagpatak ng alas tres ng hapon sa Linggo (January 28), isasara muna sa mga motorista ang kahabaan ng Southbound Lane ng Roxas Boulevard, mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo St.
Ito ayon sa Manila Police District Traffic Enforcement Unit, ay upang bigyang daan ang prusisyon ng Congregation del Nombre de Jesus.
Sa mga motorista na dadaan sa Southbound, na magmumula sa Mac Arthur, Jones at Quezon Bridge, na tutunggo sa Southbound Lane ng Roxas Boulevard, makabubuting dumaan na lamang sa Taft Avenue.
Sa mga magmumula sa Bonifacio Drive, pinapayuhang kumaliwa na lamang sa P. Burgos Avenue.
At sa mga motorista naman na dadaan sa Westbound lane ng TM Kalaw, na dadaan ng Roxas blvd, pinapayuhan na kumaliwa na lamang sa MH Del Pilar St.